"AWIT NG LULUSONG NA MAGSASAKA" ni Rener Concepcion Mas hirati na ang kamay Sa pagdurog ng tiningkal Sa lubid at sa tatangnan Ng ararong may pamungkal. Paglipatin na lang sana Ng usbong, supang o bunga Mas madali ang pumala Sa magsulat, sa magbasa. Kaya malaking trabaho'ng Umaninaw sa polyeto Kahit ba iya'y numerong Guguririan ko 'ka mo? Pero alam ko rin naman Boto'y boses kong lilitaw Pinili ko'y ibibilang - Minsanang kapangyarihan. Dahil diyan umaahon Ang konsehal at ang meyor Saka nanlilimos-tulong Nangangako ng pagsulong. Dahil diyan ang pag-ibis Paglayo muna sa bukid Sa presinto 'ta sasapit Hahawak kita ng lapis! Tingni kung sinong nagpar'yan Nu'ng ang ilog ay umapaw May bigas ba s'ya't pang-ulam Nu'ng t'yan nata'y walang laman? Ganyan din ang apelyido Nu'ng sa Mamay sumaklolo Noong s'ya'y naagrabyado Napahabla, nagkakaso. Baka hindi yan sa ata't Sa sarili lang na bulsa Tayo pa ang mag...
Let the wind guide you.