“LIWANAG SA DILIM”
Ikáw ay manalig at huwág mangambá
Labanan mo ang bakunáwa ng dusa
Alimúom ng kahapon ay iwaksí
Warì ko’y lahát tayo ang tangìng susì
Lamyák na liwanag ay sisibol mulî
Espasyo mong uukit sa buong lipì
Ngayón ang katuninúngan ay sasapit
Isisigáw at takumbâng isasambít
Kibin at taás noong maninindigan
Ihayág ang pagláum sa sánlibután
Kilapsáw ng boses mo ay madidiníg
Oh, pilipino ngayon tayo tumindíg
Sanggunián
● bakunáwa - (Cebuano, Waray) | dambuhalang ahas na pinanini-walaang kumakain
ng buwan o araw kapag may eklipse o lahò
● Alimúom - singaw na galing sa lupa pagkatapos ng ulan o ambon
● Lamyák - (Sinaunang Tagalogl) | bagay na dumarating nang higit na mabuti kaysa
inaasahan
● katuninungan - (Bikol) | kapayapàan
● takumbâng - pagtalon nang magkadikit ang paa o sabay ang dalawang paa
● Kibin - magkahawak-kamay habang naglalakad
● pagláum - (Bikol, Hiligaynon, Cebuano, Waray) | pag- asa
● Kilapsáw - maliit na along pabilog na likha ng isang bagay na bumagsak o lumitaw
sa tubig
Comments
Post a Comment