KALAYAAN 2022 "Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila..." - Andres Bonifacio ✊ Ang pagmamahal sa Bayan ay aking paninindigan. ✊ Power in our minds, freedom in our words, pride in our souls and salute to our nation! Happy Independence Day, the Philippines! 🇵🇠#Kalayaan2022 #PhilippineIndependenceDay #AndresBonifacio Link on Instagram ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito’y namamasid. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alinman, imbit taong gubat, maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang. Pagpupuring lubos ang nagiging hangad sa bayan ng taong may dangal na ingat, umawit, tumula, kumatha’t sumulat, kalakh...